Lacson

Lacson nagbabala tungkol sa usaping panseguridad

88 Views

NAGBABALA si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na maaaring maging usaping panseguridad ang frustration sa hanay ng armed services kung pagsasamantalahan ito ng tinawag niyang “unscrupulous and power-hungry destabilizers.”

“As per information, though still sketchy and raw, the level of frustration within the armed services has reached up to battalion and regional levels,” ani Lacson.

May ilang nasa armed services na mahigpit na nagmamatyag sa mga pangyayari sa tinukoy niyang pambansang krisis na dulot ng internal at external factors.

Ayon kay Lacson, kabilang sa mga binabantayang isyu ang power play sa Senado, umano’y flood-control anomalies, inflation at pagtaas ng presyo ng fuel.

Batid ng mga nasa armed services, batay sa kasaysayan, na walang coup attempt na nagtagumpay nang walang suporta ng sibilyan. Dahil dito, aniya, ang mga tahimik na nagpapahayag ng frustration ay nagmamatyag din sa mga pangyayari sa labas ng militar.

Dumating ang pahayag matapos sabihin ni acting Senate President Sherwin Gatchalian na ipinaalam ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag sa mga kinauukulang sektor na may potensyal na banta sa Senate building at Senate premises.

Nauna nang sinabi ni Gatchalian na dapat unahin ang kaligtasan ng mga senador, empleyado at personnel habang nagpapatuloy ang operasyon ng kapulungan sa gitna ng leadership dispute at committee proceedings.