Lalaki patay, 2 duguan sa barilan sa parking lot
Oct 1, 2024
NBI-STF ipinalilinis ng NBI director
Oct 1, 2024
Calendar
Nation
Senado inaprubahan SIM card registration bill
Peoples Taliba Editor
Sep 28, 2022
182
Views
INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory SIM card registration bill.
Walang tumutol sa pag-apruba sa Senate Bill 1310 na nakakuha ng 20 boto.
Sa ilalim ng panukala ay magiging mandatory na pagrerehistro at pagpapakita ng valid identification card ng mga bumibili ng SIM card.
Ang mga SIM card na nabili bago ang pagsasabatas ng panukala ay kailangang magrehistro sa loob ng 180 araw upang hindi ma-deactivate ang kanilang SIM card.