Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Elections

Pagpapaliban ng Barangay, SK polls pirma nalang ni PBBM ang kulang

118 Views

NIRATIPIKA na ng Kamara de Representantes ang Bicameral conference committee report ng panukala na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Sa halip na sa Disyembre 5, 2022 isasagawa ang BSKE ay gagawin ito sa huling Lunes ng Oktobre 2023.

Ang mga kasalukuyang opisyal ng Barangay at SK ay mananatili sa kani-kanilang puwesto hanggang sa magsimula ang termino ng mga mananalo sa halalan sa Nobyembre 30, 2023.

Ang mga kakailanganing pondo ay kukunin sa budget ng Commission on Elections (Comelec) o supplemental budget na ipapasa ng Kongreso.