Calendar
16k COVID cases naitala sa nakalipas na linggo
NADAGDAGAN ng 16,017 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 mula Setyembre 26 hanggang Oktobre 2.
Sa datos ng Department of Health (DOH) mas mababa ito ng 10 porsyento kung ikukumpara sa naitalang kaso mula Setyembre 19 hanggang 25.
Ayon sa DOH hanggang noong Oktobre 2 ay 753 ang naitalang malubha o kritikal na pasyenteng naka-admit sa mga ospital sanhi ng COVID-19.
Mayroon namang naitalang 228 na pumanaw kung saan 34 ay naganap noong Setyembre 19 hanggang Oktobre 2.
Sa naturang bilang tatlo ang nangyari noong Hulyo 2022, isa noog Hunyo 2022, apat noong Pebrero 2022, tatlo noong Enero 2022, at 182 noong Setyembre 2021.
“Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster,” sabi ng DOH.