Tulfo

Sen. Raffy nanawagan ng aviation safety, reporma sa pondo

45 Views

NANAWAGAN si Senador Raffy Tulfo ng aviation safety at spending reforms matapos niyang ipunto ang pagtaas ng bird strike incidents at kuwestiyunin ang patuloy na pagpopondo sa national airports na walang commercial flights.

Inihayag ni Tulfo ang mga isyu sa public hearing ng Senate Committee on Public Services nitong Huwebes, July 2, habang tinalakay ng mga mambabatas ang aviation safety at transport concerns.

Sinabi niya na nakapagtala ang Pilipinas ng 953 bird strikes noong 2025 at 250 pa sa unang kalahati ng 2026.

“The Philippines recorded 953 bird strikes in 2025, and 250 more in just the first half of 2026. This is not about expecting the worst. It’s about preparing for what we already know is possible,” ani Tulfo.

Binigyang-pansin din ni Tulfo ang safety risks sa Ninoy Aquino International Airport, na aniya’y nakapagtala ng 51 bird strike incidents ngayong taon dahil sa lapit nito sa isang local wetland park.

“This is nature. But to save lives, we must be willing to rethink old approaches,” dagdag niya.

Ang bird strike ay nangyayari kapag bumangga ang ibon sa aircraft. Maaari itong makasira sa bahagi ng eroplano at magdulot ng safety risks, lalo na sa takeoff at landing.

Kinuwestiyon din ni Tulfo ang unregulated pigeon racing malapit sa runways, dahil hindi umano kinakailangang makipag-coordinate ang organizers sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Bukod sa aviation safety concerns, kinuwestiyon ni Tulfo ang patuloy na pagpopondo sa mga airport na hindi nagagamit para sa commercial flights.

Sinabi niya na 45 sa 87 national airports ang patuloy na tumatanggap ng malaking pondo kahit walang commercial flights.

“Mati Airport received ₱100 million in 2024 and ₱700 million in 2026. Catbalogan Airport received ₱250 million and another ₱200 million. Before these airports were built or rehabilitated, was there a sufficient demand and land use assessment? Is there an airline willing to operate?” tanong ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na dapat repasuhin ng pamahalaan kung tumutugma ang airport spending sa demand, interes ng airlines at pakinabang sa publiko.

“We should definitely invest in our airports. But airports exist to connect people: to bring families together, support tourism, create jobs, and drive local economies,” ani Tulfo.

Tinalakay din ng komite ang mga commuter concerns, kabilang ang port terminal fees, theft on passenger vessels at mga nagdaang pag-atake na kinasangkutan ng mga motorista at ride-hailing drivers.