Gatchalian

Gatchalian pinangunahan paghahanda sa seguridad para sa impeachment trial ni VP Duterte

34 Views

PINANGUNAHAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ang inter-agency security coordinating conference bago ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Lunes.

Ayon sa tanggapan ni Gatchalian, isinagawa ang pulong upang matiyak na nakahanda ang logistical, administrative at security requirements bago umupo ang Senado bilang impeachment court.

Nakipagpulong si Gatchalian sa mga security official mula sa Senado at House of Representatives, gayundin sa mga opisyal at kinatawan ng mga ahensyang may papel sa seguridad ng proceedings at ng Senate complex.

Tinalakay sa coordination meeting ang mga security arrangement sa loob at paligid ng Senate complex, kabilang ang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan bago at habang isinasagawa ang proceedings.

Nauna nang sinabi ni Gatchalian na handa ang Senado na umupo bilang impeachment court para sa July 6 trial.

Inaasahang diringgin ng Senado ang kaso bilang impeachment court, sa tulong ng security coordination ng mga kinauukulang ahensya.

Ayon sa tanggapan ni Gatchalian, layunin ng paghahanda na matiyak na handa ang logistical at security systems ng Senado bago magsimula ang trial.