Abalos

Abalos positibo sa COVID

Joel Dela Torre Oct 10, 2022
196 Views

NAGPOSITIBO si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Abalos sa isang pahayag kung saan nito sinabi na siya ay kasalukuyang naka-home isolation at nagtatrabaho remotely upang hindi na makapanghawa ng iba.

“I am grateful to have been fully vaccinated with booster. I am asymptomatic and feeling well as of the moment,” sabi ni Abalos.

Sinabi ni Abalos na pupunta dapat ito sa Malacañang ngayong Lunes kaya sumailalim sa RT-PCR test noong Linggo. Natanggap umano ng kalihim ang resulta alas-9:12 ng gabi noong Linggo.

Nagpasabi na umano si Abalos sa Philippine National Police upang magsagawa ng contact tracing. Siya ay nagsagawa ng press conference noong Linggo sa Camp Crame, Quezon City.

“I am also humbly appealing to everyone who I came across over the past two days to monitor yourselves for COVID-19 symptoms and promptly get tested and isolate away from others once symptoms develop,” dagdag pa ni Abalos.

Hinimok ni Abalos ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shot upang magkaroon ng laban sakaling mahawa ng COVID-19.