Seguridad ng mga communication equipment, navigational facilities tiyakin–CAAP sa mga airports

Jun I Legaspi Jul 8, 2026
35 Views

INATASAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng airports na nasa jurisduction nito na tiyakin ang seguridad ng mga communication equipment, navigational facilities, control towers, at iba pang mahahalagang imprastruktura ng paliparan laban sa posibleng epekto ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan.

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Kalihim ng Transportasyon Giovanni Lopez.

Sa kasalukuyan, nananatiling normal ang operasyon ng mga paliparan.

Gayunpaman, patuloy na binabantayan ng CAAP ang sitwasyon ng panahon upang matiyak ang kahandaan sakaling kailanganin ang karagdagang aksyon.

Pinapayuhan ng CAAP ang mga pasahero na sumubaybay sa mga flight advisories at weather updates bilang bahagi ng mga pag-iingat sa banta ng super typhoon Inday.