BBM

DOE pinayagan paghahanap ng langis sa Palawan—PBBM

145 Views

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinayagan ng Department of Energy (DOE) ang paghuhukay sa Cadlao oil field sa Palawan upang makahanap ng bagong mapagkukuhanan ng suplay ng langis.

“An early indication is that the DOE recently allowed the Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd., the Technical Operator/Operator of Service Contract 6B, to proceed with the site survey of their drilling locations in their service contract areas by the last quarter of this year,” sabi ni Marcos.

Dalawang balon umano ang huhukayin, isa para sa exploration at isa para sa appraisal at gagawin umano ito sa unang bahagi ng 2023.

Kung magiging matagumpay ay magsisimula na umano itong pakinabangan sa huling bahagi ng 2023.

Sa pagtataya ay aabot umano sa lima hanggang anim na milyong bareles ng langis ang makukuha sa lugar.

“While it is a first step, it signals the government’s intent to maximize indigenous resources and has attracted strong interest from foreign investors in the Philippine upstream oil and gas sector,” ani Marcos.