Pangandaman

Pondo para sa buffer stock program ng NFA sa 2023 dinagdagan

152 Views

DINAGDAGAN ang pondo para sa buffer stocking program ng National Food Authority (NFA) para sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) mula sa P7 bilyon ngayong taon, ang pondo ng programa ay itinaas sa P12 bilyon para sa 2023.

Sa kasalukuyan ay tatagal ng siyam na araw ang stock na pagkain ng NFA. Sa pamamagitan ng dagdag na pondo ay aakyat ito sa 15 araw.

Sa pagtaas ng pondo, sinabi ng DBM na mas maraming produkto partikular ang bigas, na maaaring maimpok ang NFA at magagamit sa panahon ng kalamidad.

“By increasing the budgetary allocation for the buffer stocking program, we are stressing the importance of ensuring food affordability, especially rice, which is a staple food for Filipinos. This is also our strategic plan for food security in times of crisis since our country is prone to natural calamities,” sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.