Dennis

DICT: Passport, driver’s license pwedeng gamitin sa pagrerehistro ng SIM

175 Views

MAARI umanong gamitin ang pasaporte o lisensya sa pagmamaneho kung wala pang national ID sa pagrereshitro ng SIM card.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Dennis Uy may delay sa pag-rollout ng national ID pero mayroon umanong ibang paraan para makapagrehistro ng SIM.

“There are other IDs that we’ve been using passports, driver’s licenses, and so on. There’s a way of validating them,” ani Uy.

Matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang SIM Registration Act, nanawagan ang mga telecommunication company na bilisan ang pag-rollout ng national ID upang magamit ang programa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) mahigit 70 milyon na ang nakapagrehistro para sa national ID. Aabot na umano sa 30 milyong physical ID card at 20 milyong digital ID bago matapos ang taon.