PAGASA

Bagyong Neneng pumasok na sa PAR, bagyong Maymay humina

209 Views

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na tinawag na Neneng.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) magdadala ng pag-ulan sa Northern Luzon ang bagyo na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide kaya pinag-iingat ang publiko.

Magiging maalon din umano ang karagatan sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Inaasahan umano na uusad ang bagyo pakanluran, timog-kanluran hanggang sa Sabado bago umusad ng pakanluran, hilagang-kanluran patungong Extreme Northern Luzon.

Maaari umanong mag-lanfall o dumaan malapit sa Babuyan Islands o Batanes ang bagyo habang tinatahak ang direksyon palabas ng PAR.

Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 30 kilometro bawat oras. Ang hanging dala ito ay may bilis na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 70 kilometro bawat oras.

Samantala, humina na ang bagyong Maymay matapos itong mag-landfall.