Sara

VP Sara pinuri PAO sa pagtulong sa 9.7M mahihirap

246 Views

PINURI ni Vice President Sara Duterte ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pagbibigay nito ng libreng legal assistance sa may 9.7 milyong mahihirap na Pilipino noong nakaraang taon.

Sa kanyang talumpati sa 7th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Convention for Public Attorneys, sinabi ni Duterte na nalagpasan ng PAO ang kanilang target noong 2021.

“I also want to take this opportunity to congratulate everyone for their accomplishments in 2021. You surpassed your target cases handled, including appealed cases that were favorably disposed of and served 9.7 million Filipinos,” sabi ni Duterte.

Pinuri rin ni Duterte si Chief Public Attorney in the Philippines Dr. Persida Rueda-Acosta sa kanyang pagtataguyod na mapaganda ang serbisyo ng ahensya.

“One look at her, and you know she is proud to lead an organization providing accessible, efficient, high-quality, and effective legal services to indigents and other qualified persons,” sabi ni Duterte.

Sinabi in Duterte na nakikipag-ugnayan na ang Office of the Vice President (OVP) sa PAO para sa mga taong nangangailangan ng legal na tulong.

“Thank you very much, ma’am, for your support to the Office of the Vice President,” sabi ni Duterte kay Acosta.