Landbank

LandBank nagbabala sa publiko laban sa kumakalat na email, text message

171 Views

NAGBABALA ang LandBank of the Philippines sa publiko laban sa kumakalat na email at text message na nagpapanggap na sa kanila galing.

Ang mga mensaheng ito ay mayroon umanong clickable link na kapag pinindot ay mapupunta sa hindi lehitimong webpage ng LBP na ginagamit para makuha ang personal na impormasyon ng isang kliyente ng bangko para manakaw ang laman ng bank account nito.

“All emails and text messages allegedly from LandBank or a representative of the bank that has a clickable link is definitely fake and part of a scam,” sabi ng advisory na inilabas ng bangko.

Ang LandBank ay pagmamay-ari ng gobyerno.

Nauna rito ay maraming guro sa pampublikong paaralan ang nagreklamo dahil nawala umano ang laman ng kanilang account kung saan pumapasok ang kanilang sahod.