Local transmission ng XBB, XBC variant ng kinumpirma ng DOH

197 Views

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na mayroon ng lokal na hawahan ng COVID-19 Omicron subvariant XBB at COVID-19 XBC variant.

Ayon kay Alathea de Guzman, officer-in-charge ng DOH Epidemiology Bureau maraming pasyente na nahawa ng XBB subvariant at XBC variant ay walang history ng paglabas ng bansa.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala ang DOH ng 81 kaso ng XBB Omicron subvariant at 193 kaso ng XBC variant.

Ang XBB at XBC ay mga variant na mula sa kombinasyon ng mga naunang variant ng coronavirus.

Ang XBB ay kombinasyon ng BJ.1 at BM.1.1.1 strain ng COVID-19 Omicron variant.

Ang XBC naman ay kombinasyon ng BA.2 sublineage ng Omicron at Delta variant.

Ang mga bagong variant ay iniuugnay sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ibang bansa.

Nananatili naman umanong epektibo sa mga bagong variant ang bakuna laban sa COVID-19