BSKE

COC filing para sa Barangay polls sinuspendi ng Comelec

174 Views

Sinuspendi ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) ng mga tatakbo sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) matapos maisabatas ang pagpapaliban nito sa susunod na taon.

Ang paghahain ng COC ay isasagawa sana mula Oktobre 22 hanggang 29.

Kasalukuyang dinidinig ng Korte Suprema ang petisyon laban sa batas na nagpapaliban sa BSKE.

Isasagawa sana ang halalan sa Disyembre subalit nagpasa ng batas ang Kongreso para gawin ito sa Oktobre 2023.