BBM1

PBBM nagsagawa ng aerial inspection sa Cavite

211 Views

NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cavite Lunes ng umaga upang makita ang lawak ng pinsala ng bagyong Paeng sa ligar.

Iniumang ni Marcos ang paglalatag ng isang long term na plano sa probinsya upang hindi umapaw ang tubig sa mga diki at flood control.

Pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahalagi ng tulong sa ilalim ng Assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Dalangin natin na kahit papaano ay makatutulong ito upang mas mapabilis ang pag-ahon ng ating mga kababayan mula sa pinsalang idinulot ng bagyong Paeng,” sabi ng Pangulo.

Ayon kay Marcos isinama nito si DSWD Sec. Erwin Tulfo upang matiyak na maihahatid ang tulong ng gobyerno sa mga nangangailangan.