Madrona

Madrona: Pagyao ni Danny Javier malaking kawalan sa mundo ng musika

Mar Rodriguez Nov 1, 2022
174 Views

NAGPA-ABOT ng taos pusong pakikiramay ang isang veteran Congressman kaugnay sa pagpanaw ng haligi ng musikang Pilipino at miyembro ng sikat na grupong APO Hiking Society na si Danny Javier.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na malaking kawalan si Danny Javier sa mundo ng musika dahil sa malaking naimbag nito para makilala ang Pilipinas sa nasabing larangan.

Sinabi ni Madrona na bagama’t pumanaw na si Danny Javier. Subalit mananatili aniya sa alaala ng mga Pilipino ang mga musika ng APO Hiking Society na nakatatak na sa kasaysayan ng bansa partikukar na noong kasagsagan ng karera ng kanilang grupo noong Dekada 70 hanggang 90’s.

Binigyang diin pa ng mambabatas na maituturing din si Danny Javier bilang isa sa mga alamat ng musika o music industry dahil sa mga naging kontribusyon niyo upang lalong maging tanyag ang mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

“Malaking kawalan si Danny Javier dahil sa kontribusyong naiambag niya sa larangan ng musika. Pero kahit iniwan na niya tayo. Ang kaniyang alaala ay mananatili sa puso nating mga Pilipino. Lalo na kapag naririnig natin ang awitin ng APO Hiking Society,” ayon kay Madrona.