MMDA

Pagpapatupad ng NCAP sa Nob 15 fake news—MMDA

209 Views

NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko laban sa pekeng impormasyon na kumakalat sa social media kaugnay ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon sa MMDA hindi totoo na muling ipatutupad ang NCAP sa Nobyembre 15.

Ang NCAP ay ang panghuhuli sa mga motorista na lumalabag sa batas trapiko gamit ang CCTV na nakapuwesto sa iba’t ibang lugar.

Nauna rito, naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaya natigil ang pagpapatupad ng NCAP.

Kinukuwestyon ng mga transport group ang NCAP dahil sa laki ng multang ipinapataw sa mga lumalabag.