Cong. Martin G Romualdez

Tumugon sa donation drive pinasalamatan ni Speaker Romualdez

244 Views

PINASALAMATAN ni Speaker Martin G. Romualdez ang mga tumugon sa kanyang panawagan na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Kasabay nito, sinabi ni Romualdez na magpapatuloy ang pagtanggap ng Kamara ng mga donasyon pero hindi na umano ito ire-repack sa Batasan Complex sa Quezon City kundi sa kalapit na warehouse.

Magbubukas ang regular na sesyon ng Kongreso sa Nobyembre 7.

“Karangalan po naming maging instrumento ng ating mga kababayan sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng,” Romualdez said. “Muli po nating napatunayan na kayang-kaya nating bumangon sa anomang hamon ng panahon kung sama-sama at nagkakaisa,” dagdag pa ni Romualdez.

Matapos manalasa ang bagyong Paeng ay umapela ng tulong si Speaker Romualdez para sa mga nasalamta.

Umabot sa P26 milyong in-kind donation at mahigit P49 milyong cash donation at pledges ang natanggap ng Kamara.

Nagpasalamat din si Romualdez kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa implementasyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

“And we commend Secretary Tulfo and all members of his team in the DSWD for performing their mandate well,” dagdag pa ni Romualdez. “To all the beneficiaries of this financial aid, may this government service help you take care of your families. Maraming salamat po at mabuhay kayong lahat.”