Calendar
QC isinama sa digital platform application para sa Right to Care (RTC) card
PINAGSAMA-sama ng Quezon City sa digital platform ang pag-apply para sa Right to Care (RTC) card.
Sa pamamagitan ng online portal, maaari nang magsumite ng documentary requirements at mag-schedule ng mandatory orientation ang mga kwalipikadong aplikante mula sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang hakbang na ito ay patunay ng pangako ng Quezon City na gamitin ang teknolohiya upang gawing mas inklusibo at tumutugon ang mga serbisyong pampubliko sa pangangailangan ng bawat QCitizen.
“Ang digital transformation ay dapat gawing mas accessible ang pamahalaan para sa lahat. Sa pagdadala ng Right to Care program online,” sabi ng mayor.
Upang makapag-apply online, kinakailangan na parehong residente ng Quezon City ang magkapareha o may isa sa kanila na nakatira sa lungsod.
Dapat ding may valid QCitizen ID at account sa QC eServices portal ang mga aplikante.
Inilunsad noong 2023, ang Right to Care Card ang kauna-unahang inisyatiba ng isang lokal na pamahalaan sa Pilipinas na pormal na kumikilala sa LGBTQIA+ partners bilang healthcare proxies na nagbibigay sa kanila ng karapatang magdesisyon sa medikal na pangangalaga para sa isa’t isa sa mga healthcare facility sa Quezon City.
Hinimok ni Mayor Belmonte ang LGBTQIA+ community na samantalahin ang mga gender-inclusive programs at serbisyo ng lungsod.
Sa kasalukuyan, ang QC eServices ay may 245 online services sa 43 service modules, na mas nagdadala ng mga transaksyon ng pamahalaan sa abot-kamay ng mga residente.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang social media pages ng Quezon City Gender and Development Council Office o tumawag sa 8988-4242 local 8739 o Helpline 122.

