Martin

Kamara nakiisa sa mga nasalanta ng bagyong Paeng

157 Views

ISANG resolusyon ang pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang ipahayag ang pakikiramay, pakikiisa, suporta, at pagmamalasakit sa may 2.4 milyong Pilipino na naapektuhan ng bagyong Paeng.

“The House of Representatives stands in solidarity with the victims at this trying time and assures Filipinos that it is ready and willing to provide any assistance necessary to alleviate the suffering of those affected by Severe Tropical Storm Paeng and aid them as they struggle to overcome this calamity,” sabi sa House Resolution No. 504.

Tumindig din umano ang mga miyembro ng Kamara upang sumaklolo sa mga nasalanta at gumawa ng mga hakbang upang maging mabilis ang pagbangon ng mga ito.

Ang resolusyon ay akda ni Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Naglungsad ng donation drive ang Kamara sa pangunguna ni Speaker Romualdez upang makapagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Niragasa ng bagyo ang may 70 probinsya sa bansa at nasa 2.4 milyong indibidwal ang naapektuhan nito.

“As an aftermath of the onslaught of Severe Tropical Storm Paeng, His Excellency, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., issued Proclamation No.84, declaring a state of calamity for six months in Region IV-A (CALABARZON), Region V (Bicol), Region VI (Western Visayas Region) and the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao to allow for government leaders to swiftly respond to the needs of their respective communities that are greatly affected and damaged by the severe tropical storm,” saad ng resolusyon.