Garcia

Bataan minomonitor teen pregnancy, suicide cases

Christian Supnad Oct 2, 2026
30 Views

BALANGA CITY, Bataan–Patuloy na minomonitor ng lalawigang ito ang mga kaso ng teen pregnancy, suicide at iba pang isyung pangkalusugan, ayon kay Gov. Joet Garcia sa pagpupulong nila ng Provincial Health Board.

Kasama sa pulong si DOH Central Luzon Center for Health Development (CLCHD) Regional Director Corazon Flores.

Ibinahagi ni Flores ang Unified National Agenda (UNA) para sa kalusugan na nagbibigay-diin sa mga pandaigdigang layunin at direksyon para sa pagpapaunlad ng kalusugan at kapakanan ng bawat isa.

Inihayag ni Gov. Garcia na patuloy na minomonitor ang mga huling ulat tungkol sa mga programang pangkalusugan, kabilang ang pregnancy tracking, suicide cases gayundin ang komprehensibong presentasyon ng mga district hospitals.

“Patuloy po ang ating pagtutulungan upang matiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan ay patuloy na napahuhusay at mas nailalapit sa bawat pamilyang Bataeño,” dagdag ni Gov. Garcia.