Marites Lang

Tulong Sa #PaengPH Victims Pinabilis

Marites Lang Nov 8, 2022
245 Views

MATINDI ang inabot ng bansang Pilipinas sa bagyong Paeng o Tropical Cyclone Nalgae sa international reports. Sa ating mga nabasa, may baha here and there sa dami ng rainfall na naging dahilan ng landslides at matinding pagkalubog sa iba ibang lugar. May kasama pang malakas din na hangin. Nasaktan ang mga lugar tulad ng Calabarzon, Bicol, Western Visayas and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Naanod ang mga bahay, merong natabunan ng putik, merong lumubog sa tubig at madaming naging homeless. Malaking disgrasya ito sa kanilang bahay at buhay…Siempre lahat sila ay kailangan ng ayuda ng gobyerno.

Bagamat heartbreaking ang situation, it somehow brought to the surface the kindness of our national leaders. The instruction given by our beloved and well respected President was “Wag na natin gaano intindihin ang Bureaucracy. Basta iparating natin ang relief. Eh ano kung magdoble-doble…Alam mo naghihingalo na yung tao. Life and death ito sa kanila. There is no such thing as sobra na relief. No such thing. Kung ano meron tayo ibigay natin kaagad, and it doesn’t matter kung may papel.’Wag na ninyong papirmahin. Walang kakainin ang mga yan.”

Eto ay nasearch ko sa google kasi pag uwi ko ng bahay, my son told me: “Mama narinig mo yung Presidente natin naawa sya sa mga typhoon victims? He actually said na wag na papilahin para kumuha ng stubs yung mga tao para makapila sa relief goods. Imagine, yung iba gusto pa papilahin sa stubs yung mga nagugutom bago pumila sa relief goods? Kawawa naman yung mga tao. Alam mo yun? Mabuti may puso ang Presidente natin!” I was dumbfounded by this information and started thinking we actually made the right choice for President… and that his decisions are observed by my family. Subsequently, yung DSWD Head sinibak yung ibang mga key officials nila for requiring families in need of certain documents na kalimitang natangay na ng baha. Imagine, gutom na yung tao tapos di mo binibigyan ng ayuda kc walang ID, residence certificate etc. Mr. Tulfo actually made mention of the instruction from the President to give aid freely to those in need. Finally, people are now seeing a silver lining beneath the dark clouds. And it’s for real…

Ngayon bagamat nagkabaha at brownouts galing kay Mother Nature ang dahilan ng mga yan pero ang Pangulo at ang mga kasama nya ang nagsusumikap gumawa ng paraan para ang tulong ay maipaabot sa mas nakararami sa mas maayos na paraan. Siguro naman di na mabubulok sa mga warehouses ang mga relief goods kaparehas nung ibang mga panahon di ba? I truly hope that gone are the days when leaders say something to the effect that “I myself had my share of pains kaya ganun talaga…” na ang translation sa mind ko, hindi kayo lang ba ang me challenges, ako din nakaranas ng sarili kong challenges. That guy when he was President narrated his family’s pains when his dad died. Of course we’re sorry for his pains but at the time he said that, the country needed a leader- a role he willingly accepted when he ran for President. But when faced with an untoward situation, his reaction was like “well, things happen”. Siempre lahat puwede magsabi non. Subalit kapag leader ka, mas mataas ang level mo. Mahiya naman dapat kasi. Yun tuloy, yung dating Pangulo na mahilig magsabi ng ganung argument parang di gaano kagandahan ang family karma nila.

Yung gesture na ipamigay lahat ng relief goods kasi kailangan ng mga tao, agree ako to the max. Sabi ng mga nagme-meditate, ang mga bagay bagay ay dapat magamit sa kung ano talaga ang kanilang disenyo o kung para saan sila talaga. Kapag relief goods, ipamigay dapat talaga. Hindi gaano kokontrolin dapat noh! If these will make life easier for some people, then give them freely asap. Kung taga DSWD ka, tumulong ka makarating sa dapat puntahan ng mga ito. Ang ating mahal na Pangulo ay tuloy-tuloy lang sa pagbibigay ng direksyon na ipamahagi sa taong bayan at sa mga nagugutom ang mga pagkain at relief goods; at wag hayaang hihimatayin na sa gutom e nagpapalista pa at humihingi pa ng stubs bago makakuha ng tulong. Eh ano nga naman kung may makadoble ng hingi. E hindi naman isang beses lang kakain ang nabiktima ng bagyo. Me kapamilya sila din nga naman na nangangailangan din ng food. Di ba food is meant to be shared naman talaga? Sabi ng mother ko when I was younger yun.

In situations like this, instead of thinking that our planet is challenged by climate change, kaya me mga ganitong natural disasters; we can actually think that our planet is helping us evolve into being kinder people. Yun ang ipinakikita ng ating Pangulong BBM. If only for that, we admire him all the more and our prayers are with him. May success and more blessings be with our President. Amen to that.