Valenzuela

Babae swak sa selda sa pagpuna sa truck ban sa Valenzuela

Edd Reyes Oct 3, 2026
15 Views

NAARESTO ng mga pulis ang babaeng negosyante na umano’y nagbitiw ng hindi magandang salita at pumuna sa truck ban ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian noong Sabado sa Baliuag, Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Caloocan City Metropolitan Trial Court Branch 49, dinakip si alyas Cathy dahil sa kasong unjust vexation na isinampa ng complainant dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Brgy. Sabang, Baliuag, Bulacan.

Nag-post sa kanyang FB page si alyas Cathy noong Setyembre 26 na pumupuna truck ban sa Valenzuela na aniya’y nakasisira sa negosyo.

Umani ng halos apat na milyong views at 80,000 reaction makaraang laitin at sinabihan pa ng hindi magandang pananalita ang alkalde.

Ipinatupad ng alkalde ang truck ban mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi upang matapos agad ang pagkukumpuni sa mga kalye habang binigyan ng exemption ang lehitimong mga negosyante sa lungsod.

Nakakulong si alyas Cathy sa Valenzuela Police Sub-Station-