Laguna

Laguna may libreng CT scan

Gil Aman Oct 5, 2026
26 Views

SAN Pablo City–Binuksan ng Laguna sa pamumuno ni Gob. Sol Aragones ang libreng serbisyo CT Scan sa San Pablo District Hospital noong Oktubre 5.

Isang mahalagang hakbang ang CT scan kasabay ng pag-anunsyo sa bagong talagang hepe ng oospital na si Dr. Jordan Malveda.

Layunin ng inisyatibo na mapabuti ang kalusugan ng bawat Lagunense sa pamamagitan ng pagbibigay ng CT Scan nang walang bayad sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

“Matagal nang naging suliranin ng marami sa ating mga kababayan ang kawalan ng sapat na pondo para sa ganitong uri ng pagsusuri,” pahayag ni Gob. Aragones.

“Sa serbisyong ito, walang Lagunense ang mawawalan ng tamang pagsusuri at paggamot dahil lamang sa kakulangan sa kakayahang pinansyal,” dagdag niya

Ayon kay Malveda, malaking ginhawa ito sa mga pasyente dahil hindi na kailangang pumunta pa sa mga pribadong ospital sa Maynila o ibang lalawigan kung saan mas mataas ang singil.

Nagpapaalala ang pamunuan ng ospital na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa mga detalye, mga kinakailangang dokumento at iskedyul ng serbisyo.