Kulong SOURCE: Larawan mula sa FB/PNP

MAG-ASAWA, KAPWA MOST WANTED SA DAGUPAN, TIMBOG SA CHILD ABUSE CASE

24 Views

ARESTADO ang isang mag-asawa na kabilang sa Most Wanted Persons ng Dagupan City dahil sa kasong may kinalaman sa umano’y pang-aabuso sa isang bata.

Magkahiwalay na nadakip ang 49-anyos na mister, na Top 9 sa city-level wanted list, at ang 42-anyos nitong misis, na Top 10, sa magkasanib na operasyon ng pulisya noong Oktubre 2, 2026.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng mga warrant na inilabas ng Regional Trial Court noong Setyembre 22, 2026 kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Nakatakda sa ₱160,000 bawat isa ang inirekomendang piyansa.

Matapos maaresto, sumailalim sa medical examination ang mag-asawa bago dinala sa police custody para sa dokumentasyon at kaukulang court proceedings.

Ipinaalam din sa kanila ang dahilan ng pag-aresto at kanilang mga karapatang konstitusyonal habang isinasagawa ang proseso alinsunod sa batas. PNP FB