Abalos

Abalos naghain na ng COC; kapalit sa DILG i-aanunsyo ni PBBM

Chona Yu Oct 7, 2024
11 Views

NAGBITIW na sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Ito ay para kumandidatong Senador sa 2025 midterm elections.

Mismong si Abalos ang naghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, si Pangulong Marcos na mismo ang mag-aanunsyo ng kapalit ni Abalos.

Una nang lumutang ang mga pangalan nina Cavite Governor Jonvic Remulla, Surigao Congressman Ace Barbers at Special Assistant to the President Anton Lagdameo na posibleng pumalit sa puwesto ni Abalos.

Pero ayon kay Chavez, mas makabubuting hintayin na lamang ang anunsyo ni Pangulong Marcos.