Calendar
Abalos: Proteksyon ng Sierra Madre isama sa disaster mitigation plan
HINIMOK ni senatorial aspirant Benjamin Abalos Jr. ang pamahalaan na isama ang proteksyon sa Sierra Madre mountain range sa disaster mitigation plan lalo na sa harap ng mas malalakas na bagyong tumatama sa bansa.
Ang Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas, nagsisilbing mahalagang natural na harang na nagpoprotekta sa milyon-milyong tao sa Luzon mula sa mga sakuna.
“Now more than ever, we are seeing how important it is to preserve Sierra Madre’s ecosystems.
We might as well we call it the lifeblood of our country’s environmental and disaster resilience as time and time again, Sierra Madre has proven that it is not just a mountain range but our shield, our defense against powerful storms which cause floods, landslides and storm surges,” ani Abalos.
Ang bulubundukin, na may taas na 6,283 talampakan, mahigit 540 kilometro ang haba na bumabagtas mula sa Cagayan sa hilaga hanggang sa Quezon sa timog.
Tinatawag itong “backbone” ng depensa ng bansa laban sa napakalalakas na bagyo.
Ang taas nito nagsisilbing harang na nagpapabagal sa mga bagyong nagmumula sa Pacific ocean habang ang magagaspang nitong dalisdis nagpapahina sa lakas ng hangin bago marating ang mga panloob na lugar.
Tumutulong din ito sa pantay na distribusyon ng ulan.
“Without the Sierra Madre, many communities along the eastern seaboard would face even greater risks from typhoons and heavy rainfall. This mountain range is not only a physical barrier but a symbol of our resilience,” dagdag ni Abalos.
Bilang dating Kalihim ng DILG, tiniyak ni Abalos na mahigpit na sinusunod ang Presidential Proclamation 413 na nagdedeklara sa Setyembre 26 ng bawat taon bilang Sierra Madre Day.
Sakaling manalo, nangako si Abalos na magpapatupad ng mas mahigpit na enforcement ng mga batas para sa proteksyon ng kalikasan sa rehiyon ng Sierra Madre.
Nanawagan din siya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng imbestigasyon kung may illegal logging na nagaganap sa lugar at agarang pigilan ito dahil nakakasira ito sa integridad ng bulubundukin.
Hinikayat din ni Abalos ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang mga kagubatan maayos na napapamahalaan at naibabalik ang sigla.
Ayon kay Abalos, ang paggamit ng sustainable practices sa agrikultura, pagmimina at turismo makakatulong sa pangmatagalang pangangalaga sa bulubundukin.
“We cannot afford to ignore the threats that illegal activities pose to our natural defenses. The Sierra Madre must be safeguarded against all forms of exploitation,” aniya.