EJK

Abante: Ebidensya ang “magkukuwento” sa imbestigasyon ng Kamara sa EJK

105 Views

SA muling pagsasagawa ng imbestigasyon ng House Committee on Human Rights sa umano’y extrajudicial killings (EJK) sa pagpapatupad ng war on drugs ng administrasyong Duterte, sinabi ng chairperson ng komite na dahil hindi na makakapagkuwento ang mga nasawi ang ebidensya ang hahayaan na magsalita upang malaman ang totoong nangyari.

“It is alleged that the rights of thousands of Filipinos were violated when they lost their lives in the anti-illegal drug campaign; they can no longer speak, so we must let the evidence speak for them,” ani Abante.

Binuksan ng legislator-pastor ang pagdinig sa pagbasa sa bahagi ng Book of Proverbs na nagsasabing “to speak up for those who cannot speak for themselves,” at Proverbs 31:9: “open thy mouth, judge righteously, and plead the cause of the poor and needy.”

“This passage serves as a powerful reminder of our duty today: to protect the vulnerable and uphold justice,” sabi ni Abante.

Muli ring iginiit ni Abante na ang layunin ng komite ay tukuyin kung mayroong naganap na paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng war on drugs.

“Our goal is to uncover the truth, to ensure accountability, and to uphold the principles of justice and human dignity. These hearings are not intended to persecute and to judge; they are a testament to the commitment of the House of Representatives to the Rule of Law and the protection of human rights,” paliwanag ng solon.

Sinabi ni Abante na ang imbestigasyon ay isa ring paalala na hindi dapat isantabi ang karapatang pantao sa paghanap ng kaligtasan at seguridad.

“We want to impress upon the country that human rights are vital and are the cornerstone of any true democracy, a democracy where every citizen can feel safe because peace and order is maintained through respect for the Rule of Law––not imposed through unjustifiable violence,” sabi pa nito.

“Let us work together to ensure that justice is served, and that the principles of human rights and the Rule of Law are upheld for all,” saad pa ni Abante.