Abante Manila 6th District Rep. Benny Abante

Abante kinondena pagtatago ni Roque: ‘Flight means guilt’

77 Views

PARA kay Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., chairman ng House committee on human rights, ang pagtakas ni dating presidential spokesman Harry Roque ay indikasyon na guilty ito sa paratang sa kanya.

“Flight is an indication of guilt,” ani Abante.

Naglabas ng arrest order ang House quad committee laban kay Roque dahil sa pagtanggi nito na isumite ang mga dokumento kaugnay ng kanyang yaman, transaksyon sa lupa at tax records na nauna na nitong ipinangako na isusumite.

Hindi na rin dumalo sa pagdinig ng komite si Roque.

“The law applies to everyone. Roque’s actions are not about standing up for his rights—they are about avoiding accountability. He is not above the law,” giit ni Abante, isa sa mga co-chair ng quad committee.

Sinabi ni Roque na lumabis ang Kongreso sa paggamit nito ng kapangyarihan at lalabanan umano nito sa korte ang inilabas na contempt ng komite.

Pero giit ni Abante, “Congress has the authority to investigate, and his defiance only fuels suspicion that he is trying to conceal evidence that can incriminate him.”

“Kasi kung wala namang issues sa documents na pinapa-submit sa kanya, bakit hindi siya mag-comply? Kung talagang wala siyang kasalanan, bakit siya nagtatago?” tanong nito.

Ipinunto ni Abante na maraming oportunidad na ang ibinigay ng komite kay Roque upang linisin ang kanyang pangalan.

“Instead of cooperating, he has chosen to evade, delay, and now openly defy the lawful orders of Congress,” saad pa ng solon.

“Ang ginagawa namin dito ay pagtupad sa aming tungkulin na bigyang hustisya ang taumbayan at itaguyod ang batas. Walang sinuman ang maaaring umiwas o sumuway sa proseso ng Kongreso, lalo na sa mga isyung may kaugnayan sa ilegal na aktibidad,” wika pa ng solon.

Nakakuha ang quad committee ng mga ebidensya na nag-uugnay kay Roque sa Lucky South 99, isang ilegal na Philippine offshore gaming operator (POGO) na ipinasara sa Porac, Pampanga.

Inaalam ng komite kung tugma ang legal na kita ni Roque sa naging paglago ng yaman nito.

Sumali na rin ang Philippine National Police sa paghahanap kay Roque.

“Roque’s refusal to cooperate with the House shows that, one, he is afraid of what we may uncover; and two, that he believes that the law does not apply to him. This is unbecoming of a former Cabinet member and a former member of Congress,” wika pa ni Abante.