Abante

Abante sa DOJ, Ombudsman: Pag-aralan pagsasampa ng kaso vs PRRD matapos umamin sa Senado

150 Views

HINIMOK ni House quad committee co-chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman (OMB) na pag-aralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na inako ang buong responsibilidad sa mga pagpatay sa pagpapatupad ng war on drugs campaign.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Duterte sa kanyang opening speech na kanyang inaako ang buong legal na responsibilidad. “Sa lahat ng nagawa ng pulis pursuant to my order, ako ang managot at makulong,” aniya.

Ayon kay Abante, chairman ng House committee on human rights, ang pahayag ni Duterte sa Senado ay maaaring magbigay daan sa imbestigasyon ng DOJ at OMB.

“The House Quad Comm has already unearthed evidence and testimony that bolster allegations that the victims of the war on drugs were innocent, na sila ay biktima ng isang kampanya na binigay ng basbas ng Malacañang,” sabi ng mambabatas.

“We have testimony that shows that the president issued directives and gave the green light to a reward system that led to the death of innocents. If the former president says that he is taking responsibility for the illegal and fatal acts of law enforcement during his administration, then he should be held accountable,” dagdag pa niya.

Ayon kay Abante, ang mga pahayag ni Duterte ay maaaring magamit sa korte sa bansa at sa international court kasama ang International Criminal Court (ICC).

Iginiit ni Abante na ipinagbabawal ng batas ng Pilipinas ang pagpatay at extrajudicial killings (EJK) at wala na umanong aasahan si Duterte na proteksyon laban sa imbestigasyon at prosekusyon.

“While he was president, the law and political considerations protected him. But now, this admission might be seen as enough basis for both Philippine and ICC prosecutors to hold him accountable,” paliwanag ni Abante.

Maaari umanong gamitin ng ICC ang pahayag ni Duterte na mayroong sistematikong aksyon laban sa mga drug offender.

Bagaman kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019, sinabi ni Abante na nananatiling mayroong hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas sa mga nangyari bago ang pagkalas ng bansa.

“PRRD’s admission should be taken seriously by both Philippine authorities and the international community. This is a crucial opportunity to reaffirm our commitment to human rights, justice, and the rule of law,” giit ni Abante.

“The legal basis is there. We owe it to the victims and the Filipino people to pursue justice without fear or favor.”