Calendar
Aberin: NCRPO nag-maximum tolerance vs marahas na protesta
IGINIIT ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Brigadier General Anthony A. Aberin nitong Linggo na nanatili ang kanyang mga tauhan sa maximum tolerance sa pagharap sa mga marahas na anti-government protesters nitong Bonifacio Day, kahit na sila ay sinabihan umano ng masasakit na salita at sinaktan ng mga nagpoprotesta.
Pitong pulis, kabilang si Lieutenant Colonel Wilfredo L. Fabros, ang nasugatan habang pinipigilan ang mga nagpoprotesta na magmartsa patungong Chino Roces (dating Mendiola Bridge) papunta sa Malacañang nitong Sabado.
Habang sinusubukan ni Lt. Col. Fabros na pahupain ang tensyon, hinila siya ng ilang demonstrador, dahilan upang matumba siya at tumama sa gilid ng daan. Nagkaroon siya ng lumbar injury.
Ang anim na iba pang pulis mula sa NCRPO at Manila Police District Civil Disturbance Management Company ay nagtamo ng minor injuries at nakauwi na matapos magpagamot.
Gayunpaman, si Patrolman Aljon Pascual ay nagkaroon ng malaking sugat sa mata at mga galos sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.
Isa sa mga anim na pulis ay nawalan din ng Body-Worn Camera na kinuha ng isang demonstrador na agad tumakas. Isa sa mga nagpoprotesta, si Nilo Mortifero, 62 taong gulang at miyembro ng Bayan Muna mula San Jose del Monte City, Bulacan, ang naaresto at ngayon ay nasa kustodiya ng MPD General Assignment Section.
Ayon kay Brig. Gen. Aberin, nanatiling kalmado at propesyonal ang kanyang mga tauhan sa kabila ng panunuligsa at pananakit mula sa mga nagpoprotesta.
“The NCRPO personnel maintained maximum tolerance while ensuring the public’s safety and upholding constitutional freedoms,” ani Aberin.
Sinabi niya na ang protesta na nagsimula nang mapayapa sa Recto Avenue sa Sampaloc, Maynila, ay naging agresibo nang magsimulang gumamit ng marahas na aksyon ang ilang mga demonstrador, dahilan upang masugatan ang pitong pulis.
Upang kontrolin ang sitwasyon, mabilis na nagpadala ng karagdagang 500 tauhan mula sa CDM contingents ng Southern at Northern Police Districts. Ang kanilang presensya ay nagpanumbalik ng kaayusan nang walang karagdagang insidente. Personal ding nakipag-usap si MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas C. Ibay sa mga nagpoprotesta upang mapayapang ma-dispers ang mga ito.
Dagdag pa rito, nag-deploy ang NCRPO ng iba pang mga yunit kabilang ang Regional Mobile Force Battalion, EOD/K9 Unit, Special Weapons and Tactics, at augmentation troops mula sa Police Regional Offices 3 at 4-A. Ang kanilang layunin ay siguraduhin ang seguridad at maayos na daloy ng mga aktibidad kaugnay ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Bonifacio.
Pinuri ni Brig. Gen. Aberin ang propesyonalismo at katatagan ng kanyang mga tauhan.
“The NCRPO’s collective effort has ensured a peaceful and meaningful commemoration of Andres Bonifacio’s legacy. NCRPO values freedom of expression and the freedom of the people to assemble peaceably. Thus, amidst aggression by protesters, our police force remained calm, professional, and focused on their mandate of keeping the peace. However, the aggression against our police officers and the violence brought by protesters will not be tolerated and will be investigated. Those found to have committed transgressions will be prosecuted according to law,” pahayag ni Brig. Gen. Aberin.
Mariing kinondena rin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang karahasan mula sa mga nagpoprotesta na nagdulot ng sugat sa ilang pulis at pagkaantala sa kaayusan.
“Today’s events underscore the delicate balance the PNP strives to uphold between protecting the rights to free speech and peaceful assembly and ensuring the safety and security of our communities,” ani PNP spokesperson Brig. Gen. Jean S. Fajardo.
“Our police officers, who are tasked with safeguarding public safety, displayed remarkable restraint and professionalism even as they faced provocation and aggression. Their mission is always clear: to de-escalate tensions, preserve peace, and protect lives,” saad ni Fajardo.
“We reaffirm our commitment to upholding every Filipino’s constitutional right to peaceful assembly. However, we cannot and will not tolerate any form of violence that endangers the public or undermines the rule of law. Those responsible for instigating chaos and harming others will be held accountable in accordance with the law,” dagdag pa niya.
Muling hinimok ni Fajardo ang lahat na makilahok sa mapayapa at makabuluhang diyalogo at iwasan ang mga aksyon na maaaring makompromiso ang kaligtasan ng publiko o makagulo sa kaayusan ng komunidad.