MPBL Abra-Bacolod match sa MPBL.

Abra todo hataw sa Bacolod

Robert Andaya Jun 4, 2024
142 Views

BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Abra Weavers bago burahin ang Bacolod, 115-64, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Orion Sports Center sa Bataan.

Lahat ng 15 players ng Abra, sa pangunguna nina Wendelino Comboy at John Lloyd Clemente, ay naka-iskor para sa kanilang ika-tatlong sunod na panalo at 6-5 win-loss record overall sa 29-team tournament.

Si Comboy ay nagtala ng 23 points, kabilang na ang pitong triples sa walong attempts, habang si Clemente ay may 18 points, six rebounds at five assists.

Naka-double-double naman si Jeepy Faundo, na may 12 points at 11 reboundsl kasunod sina Mark Tallo, na may six points, seven rebounds at seven assists; at Reeve Ugsang, na may nine points at nine rebounds para sa Abra.

Ang 51-point winning margin ng Abra laban sa Bacolod ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng MPBL.

Ang Bacolod ay naglaro na may anim na players lamang at bumagsak sa 1-10 record.

Umiskor para sa Bacolod sina Danny Marilao (18 points), Jamel Ramos (130, Nichole John Ubalde (12) at Salvador Galit (10).

Magpapatuloy ang aksyon sa MPBL sa gagawing mga laro sa FilOil Flying V Centre sa San Juan, na kung saan magtutuos ang Marikina at Nueva Ecija simula 4 p.m., Pasay at Bulacan sa 6 p.m., at Valenzuela at host San Juan sa 8 p.m.

The scores:

Abra (115) — Comboy 23, Celemente 18, Faundo 12, Ugsang 9, Tolentino 8, Chavez 7, Tallo 6, Fabro 6, Caperal 5, Pasturan 5, Sumang 4, Lee 4, Canete 4, Magat 2, Gonzales 2.
Bacolod (64) — Marilao 18, Ramos 13, Ubalde 12, Galit 10, Pardo 7, Manalang 4.
Quarterscores: 26-7, 60-28, 94-42, 115-64.