Calendar
Accla naging dyowa pinagpantasyahang aktor
PROUD ang isang hindi na masyadong aktibong aktor na maging dyowa ng isang bading na nagpantasya pala sa kanya noong medyo bata pa siya.
Ipinagmalaki ng isang accla sa kanyang socmed account ang isang picture nila ng aktor na magkasama at inilagay ni accla ang username ng aktor kaya hindi siya makapagkakaila, huh!
Caption ni bading, “Manifesting!” at nagkatotoo nga ang pagma-manifest niya!
Pero teka. Sa pagkakaalam namin, matagal nang pumapatol si aktor sa mga accla. Pero lihim lang ‘yun!
Ngayon, eh, lantaran na ito. Eh, kung magkakapera siya sa accla, lalo na’t hindi na siya masyadong mabenta at visible, ibigay na natin ang gusto niya, ‘di ba?
RURU NAKASABAY KAY DENNIS SA AKTINGAN
HINDI lahat ng PDL (Persons Deprived of Liberty), eh, masamang tao. Parang ‘yan ang nais iparating ng peikulang “Green Bones.”
Sa press preview na inilaan ng management ni Dennis Trillo sa media, napanood namin ang much raved na “Green Bones.”
Walang duda na magaling si Dennis. Naipamalas na niya ‘yan sa una niyang movie na
“Aishite Masu” na entry din sa festival 20 years ago.
Now that Dennis is back sa MMFF via “Green Bones,” hindi pa rin kumukupas ang husay niya. Nadala nga niya si Ruru Madrid na co-star nya sa movie. Nakasabay siya sa aktingan, huh!
Some say na si Aga Muhlach ang mahigpit na kalaban ni Dennis bilang best actor sa Gabi ng Parangal ng MMFF kagabi.
Napanood na rin namin ang movie ni Aga na “Uninvited.” Pero para sa amin, movie ito ni Vilma Santos-Recto.
Saka one-sided lang ang character ni Aga sa psycho-thriller na isang masamang tao. Walang back story kung bakit siya naging masama at paano siya yumaman.
Pero ang MMFF, full of surprises, ‘di ba, Ian F.?