SOBA Ang barangay captain kasama ang anak na si Ces.

Accomplishments ng brgy. inilahad sa SOBA

Christian Supnad Mar 30, 2026
274 Views

ALAS ASIN, MARIVELES–Ipinagmalaki ng barangay captain ng luga na ito ang mga nagawa sa ilalim ng kanyang panunungkulan na tinawag na “Progresibo, asensado, maraming naipagawang proyekto, patuloy na pag unlad ng komunidad.”

Ayon kay Florante “Dante” Malimban sa kanyang state of the barangay address (SOBA) noong Sabado, bukod sa pinakamayamang barangay, ang Alas asin rin ang may most developed infrastructure, mapayapa, malinis at maayos na liderato.

Nagpakilalang “action man” ang opisyal at inilathala ito ng Bataan Peninsula Times.

Kilala ang opisyal sa pagkilos pagdating sa pangangailangan ng kanyang kabarangay at sa mga oras ng kalamidad.

Ibinalita ng kapitan na ang Alasasin may sariling medical assistance, VAWC assistance, disaster assistance, burial assistance at libreng libing.

“Ang bawat libreng libing na programa ay nagkakahalaga ng P25,000.

Naglaan ng ganitong halaga ang ating pamunuan upang sa huling sandali ng ating kabarangay ay hindi naman siya maging mukhang kaabaaba,” anang kapitan.

Base umano sa mandato ng batas at diwa ng transparency at accountability sa pamamahala ang kanyang SOBA.

“Ang ating pamumuno ay patuloy na ginagabayan ng ating malinaw na bisyon: isang komunidad na malusog, masaya, disiplinado at may kakayahang umunlad ng may malasakit sa kalikasan.

Kaakibat nito ang ating misyon na tiyakin ang kabuuang kapakanan ng ating mamamayan sa pamamagitan ng maayos, makatarungan, at episyenteng pagpapatupad ng mga programa at serbisyo,” ayon sa kanya.

Sa tulong ng mga pondo at pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan, tagumpay nating naisakatuparan ang mahahalagang proyekto, dagdag ng kapitan.