Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop

Acop: Ebidensya, di politika nag- ugnay kay Duterte sa droga

84 Views

BINALIKAN ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kaugnay ng kanilang sinabi na ang imbestigasyon ng House quad committee ay naglalayong sirain si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kaalyado.

Sinabi ni Acop na sinusundan lamang ng komite ang mga lumalabas na ebidensya at hindi ito itinutulak ng personal o politikal na motibo.

“We’re just doing our job. This is not about destroying anyone or any group. It’s about uncovering the truth, no matter how uncomfortable it may be,” sabi ni Acop.

“If Sen. Dela Rosa feels the findings are inaccurate, he should present evidence to counter them rather than resorting to baseless claims of political intent,” dagdag pa nito.

Si Acop ang naglahad ng buod ng 13 public hearing na isinagawa ng komite kaugnay ng madurong war on drugs campaign ni Duterte na ginamit umano upang matakpan ang pinagkakakitaan nitong bentahan ng iligal na droga.

Kabilang sa binanggit ni Acop ang testimonya ni dating Police Intelligence Officer Col. Eduardo Acierto na nagsabing pinoprotektahan ni Duterte at Senators Christopher “Bong” Go at Dela Rosa ang kaalyado nitong illegal drug network sa bansa.

Sa isang panayam, kinondena ni Dela Rosa ang sinabi ni Acop na siya ay nasa likod ng bentahan ng iligal na droga at iginiit na siya ang chief implementer ng war on drugs.

Hinamon pa nito si Acop na pumunta sila sa simbahan upang malaman ang katotohanan. “How dare you, Mr. Acop?” sabi ni Dela Rosa.

Sagot naman ni Acop sa sinabi ni Dela Rosa, “How dare I? I dare because this is my responsibility—to uncover the truth and ensure accountability. Everything I said during the summation is fully backed by the findings of the Quad Comm, based on testimonies and evidence from 13 hearings.”

“These findings are not speculation or personal opinion. If Sen. Dela Rosa has contrary evidence, let him present it. Otherwise, his accusations are baseless,” dagdag pa nito.

Tinuligsa rin ni Acop, isang abogado at dating police general, si Dela Rosa sa kanyang inasal na taliwas umano sa long-standing tradition ng pagrespeto sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

“It’s a no-no for someone of the lower class in the PMA to disrespect a member of the upper class,” sabi ni Acop na ang pinatutungkulan ay ang seniority sa PMA.

“Sen. Dela Rosa should remember that respect begets respect. If he truly believes in this value, he should engage in proper discourse and refrain from emotional outbursts and theatrics, like invoking religion to avoid accountability,” giit ni Acop.

Hinimok din ni Acop si Dela Rosa na pagnilay-nilayan ang mga pinagsasabi nito sa iba pang personalidad sa nakalipas.

“Sen. Dela Rosa criticized [former Senator Antonio] Trillanes for disrespecting him, yet he is committing the same mistakes now,” sabi ni Acop. “This investigation is not about personalities—it is about uncovering the truth and seeking justice for the victims of the bloody anti-drug campaign.”

Hinamon din ni Acop si Dela Rosa na patunayan na mali ang mga natuklasan sa pagdinig ng komite.

“Why is he so angry? Discourse is part of politics. If he believes the evidence is wrong, he should challenge it with facts, not emotion. The process demands respect, and anger will not change the truth,” sabi ni Acop.

Ibinasura rin ni Acop ang sinabi ni Dela Rosa na gawa-gawa ang testimonya sa quad comm at politika ang motibo ng imbestigasyon.

“We go by the pieces of evidence presented in the hearings. There’s no speculation or hearsay,” sabi ni Acop.

“Witnesses like Col. Acierto and others came forward voluntarily to share what they know. If anything, these testimonies are being scrutinized because they were ignored during Duterte’s time. Now, the guilty parties are feeling the pressure and are trying to deflect,” dagdag ni Acop.

Samantala, kinukuwestyon naman ni Acop ang kredibilidad niya na magsalita para sa dating pangulo.

“Minion ka ng dating presidente. Bakit hindi ang dating presidente mismo ang magpaliwanag? Abogado ba siya ni dating President Duterte? Ang alam ko, si Atty. Martin Delgra ang opisyal na abogado niya,” sabi ni Acop na ang pinatutungkulan ay ang dating chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kumatawan kay Duterte sa pagdinig.

Ipinaalala ni Acop na mismong ang dating pangulo ang nag-uugnay sa kanyang sarili sa mga krimen.

“Former President Duterte himself said things that aligned with the evidence we uncovered, particularly on extrajudicial killings,” paliwanag ni Acop.

“The Quad Committee’s work is to bring these truths to light, whether or not it’s uncomfortable for those involved,” giit ng mambabatas.

Samantala, ipinunto rin ni Acop na isang beses lamang dumalo sa pagdinig si Panelo kaya wala itong basehan na kuwestyunin ang resulta ng imbestigasyon.

“Atty. Panelo is entitled to his opinion, but his statements are baseless and uninformed. He just attended a single hearing when former President Duterte appeared so he has absolutely no grasp of the overwhelming evidence and damning testimonies presented before the committee,” giit ni Acop.

“This investigation is about accountability and the pursuit of truth. It is not about political maneuvering or targeting anyone for 2028, as he claims,” dagdag pa nito.