Acosta

Acosta bagong Pag-IBIG Fund chief

294 Views

Itinalaga si Marilene C. Acosta bilang acting Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund.

Ayon sa Malacañang si Acosta ang papalit kay Acmad Rizaldy P. Moti bilang hepe ng pinakamalaking home financing agency sa bansa.

Si Acosta ay isang Certified Public Accountant (CPA) at Career Executive Service Officer (CESO) V, at nagsimulang magtrabaho sa Pag-IBIG noong 1991 bilang accounting clerk sa Baguio Regional Office ng ahensya.

“I am grateful for the trust that the President Ferdinand Marcos, Jr. and our Chairperson, DHSUD (Department of Human Settlements and Urban Development) Secretary Jose Rizalino Acuzar have given me on being appointed to this post,” sabi ni Acosta.

Sinabi ni Acosta na gagawa ito ng mga hakbang upang mas mapaganda ang serbisyo ng Pag-IBIG at lalo pang mapa-unlad ang ahensya.