Just In

Calendar

May 2024
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Rodriguez1

ACT-Agri Kaagabay taas noo binigyan pagkilala kahalagahan ng kababaihan sa mga kababaihan

39 Views

RodriguezKINILALA ng ACT-Agri Kaagapay ang malaking papel at kontribusyon sa ating lipunan ng mga kababaihan.

Ayon sa Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay na si Ms.Virginia Rodriguez, hindi madaling gawin ang mga bagay at magandang pangarap sa buhay ng isang magulang sa kanyang mga anak at pamilya.

Si Ms. Rodriguez ay maagang naulila sa asawa kaya mag-isa nitong kinaya na itinaguyod ang kanyang pamilya, buhayin at papag-aralin sa magandang paaralan ang kanyang mga anak.

Bukod sa obligasyon sa pamilya sa kabila ng kanyang pagiging solo parent ay tumutulong pa sa mga less fortunate na kababayan si Ms.Rodruguez na isang pambihirang katangian ng mga kababaihan.

Bilang isang babae, ay taas noo na nagbibigay ng pagkilala si Ms.Rodriguez sa mga kababaihan na patuloy na nagtataguyod ng kaayusan ng buhay pam-pamilya, at lipunan saan man panig ng mundo bilang kabahagi ng tunay pagbabago.

Ngayong buwan ng Marso ay kinikilala ang kontribusyon ng mga kababaiban kaya saludo si Ms. Rodriguez sa mga katulad niyang babae na nagsusulong ng magkaroon na maayos na buhay ang bawat Pilipino.

Naniniwala si Ms.Rodriguez, sa tulong, gabay, biyaya at awa ng Dakilang Lumikha ay maipagpapatuloy niya ang kanyang misyon na makagawa ng makabuluhang bagay na mag-aangat ng buhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga Magsasaka na siyang nagpapagod para magkaroon ng sapat na pagkain.

Bumabati ng happy women’s month si Ms. Rodriguez sa lahat ng kababaihan na itinataguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating sa buhay nila bilang isang Babae.

Si Ms. Rodriguez ay dating Reporter, matagumpay na negosyante at Philantropo ay siyang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ginagamit ngayong gabay ng maraming magsasaka hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.