Agri

ACT-Agri Kaagapay nais maging parte ng pagbabago

158 Views

Pic1NAKIISA ang ACT-Agri Kaagapay organization sa panawagang pagkakaisa ng pamahalaan, sa isinagawang “kick-off rally” ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila kahapon ng hapon.

Pinangunahan ni Ms.Virginia Rodriguez, pangulo ng ACT-Agri Kaagapay, ang kanyang grupo para ipakita ang kanilang mainit na suporta sa liderato ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagtungo ang grupo ng Ms. Rodriguez sa Luneta dakong alas-3:00 ng hapon para saksihan ang mga programang inilatag para sa mahalagang okasyon hinggil sa panawagan ng pagkakaisa.

“We support Bagong Pilipinas, we support President BBM, nais naming maging parte ng pagbabago para sa ating sarili, komunidad at bayan,” ani Ms.Rodriguez.

Sinabi ni Ms. Rodriguez na ang pakikiisa nila sa rally ay upang lalong mag-alab ang pag-asa ng bawat isang Pilipino na naghahangad na mapabuti ang bansa sa pamamagitan ng sama-samang tugon at aksiyon sa mga magagandang programa ng gobyerno.

Ang Bagong Pilipinas kick-off rally ay dinaluhan ng Pangulong BBM na nagbigay ng tuwa, saya at inspirasyon sa bawat nakiisa sa makasaysayang okasyon.

Pahayag pa ni Ms.Rodriguez, ang kanyang grupo ay patuloy na maninindigan at susuporta sa nais ng gobyerno na maiangat ang buhay ng bawat isang Pilipino at sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Namigay din ng ‘food pack’, meryenda at mineral water ang grupo ni Ms.Rodriguez sa mga kapwa nila dumalo sa rally.

Si Ms.Rodriguez ay dating reporter na ngayon ay isa nang negosyante at pilantropo.

Siya ang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasakang ang kanyang mga “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.