Calendar
ACT-CIS mabilisang sumaklolo sa mga biktima ng habagat, bagyong Carina
MATAPOS humupa ang ulan sa Metro Manila, agad nagpaabot ng tulong ang ACT-CIS Partylist sa mga naapektuhan ng pagbaha noong Miyerkoles.
Nagpahanda si Cong. Edvic Yap ng dalawang libong food packs para sa mga bakwit sa Quezon City at Marikina City.
“Hindi lang makatawid ang mga trak namin noong kasagsagan ng ulan at baha dahil maraming kalsada ang sarado,” ayon kay Cong. Yap.
Aniya, “Narinig kasi namin panawagan ng LGU na baka kulangin ang suplay nila ng pagkain dahil sa sobrang dami ng evacuees matapos umapaw ang Marikina River”.
Si Cong. Erwin Tulfo naman ay agad nagpadala ng higit isandaang food packs para sa 100 families na nasa dalawang barangay evacuation centers na malapit sa kanilang opis noong Miyerkoles ng hapon.
“Tumawag kasi yung Christ the King Church sa opis para hingan ng food yung mga bakwit na karamihan ay mga nasasakupan ng parokya nila,” ayon kay Tulfo.
Ayon pa kay Tufo, hindi lang sa panahon ng kalamidad maari silang lapitan kundi maging da mga problema ng tao da medical, labor o legal man.
“Aantayin namin po kayo sa aming opis Monday to Friday from 8 a.m. to 4 p.m. sa 81 Mother Ignacia Ave., Quezon City,” pahabol ni Cong. Yap.