ACT-CIS

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4B serbisyon sa higit 300K Pinoy sa isang taon

23 Views

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi ng nangungunang partylist sa nalalapit na Halalan sa Mayo 2025, ACT-CIS Partylist, ang higit sa P1.4 bilyong halaga ng tulong mula sa pamahalaan sa mahigit 300,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa mula 2024 hanggang sa kasalukuyan.

Nanguna sina ACT-CIS Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo sa pagtutulay sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong mula sa kanilang mga tanggapan.

Narito ang breakdown ng mga serbisyong panlipunan na naipamahagi, sa kasalukuyang tala:

· Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP): P296,757,862.44

· Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP): P335,700,000

· Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS): P502,216,195.48

· Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD): P150,000,000

· Sustainable Livelihood Program (SLP): P115,000,000

“Lubos kaming nagpapasalamat sa tiwalang patuloy na ibinibigay ng mga Pilipino sa ACT-CIS. Ito ang dahilan kung bakit patuloy naming nagsisikap sa Kongreso: upang maging kakampi ng mga naaapi at boses ng mga walang boses sa lipunan,” ani ACT-CIS Representative at Senatorial Candidate Erwin Tulfo.

Sa loob ng maraming taon, naging matatag na tagapagtaguyod ang ACT-CIS ng mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyong panlipunan, lalo na sa mga mahihirap at bulnerableng sektor. Simula nang makakuha ito ng puwesto bilang kinatawan ng mamamayan, naging maaasahang tulay ito para sa iba’t ibang anyo ng tulong mula sa pamahalaan.