Calendar

Adiong: House prosecution team sa impeachment trial ni VP Sara mas malakas sa pagsama kay De Lima, Diokno
KUMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na lalong lalakas ang House prosecution team kung isasama rito sina dating Sen. Leila de Lima at human rights lawyer Chel Diokno.
Ayon kay Adiong, na isa ring House Assistant Majority Leader, ang pagkakasama ng dalawang kilalang legal luminaries ay hindi lamang magpapalakas sa legal na kakayahan ng prosecution kundi nagpapakita rin ng determinasyon ng Kamara na panagutin si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment process.
“With the addition of incoming Reps. De Lima and Diokno, we see the convergence of moral clarity and legal precision in our pursuit of conviction. Their presence brings not only valuable expertise but also a profound human rights perspective that elevates the quality of the entire proceeding,” ani Adiong.
Si Diokno, na kumakatawan sa Akbayan Party-list, at si De Lima ng Mamamayang Liberal ay papasok na bilang mga miyembro ng House of Representatives sa ika-20 Kongreso kasunod ng pagkapanalo ng kanilang mga party-list group sa katatapos na 2025 elections.
Ayon kay Adiong, isa sa mga lider ng Young Guns at stalwart ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), ang presensya ni De Lima sa panel ay may malalim na simbolikong at institusyonal na kahulugan, lalo na sa kanyang karanasan bilang dating senador at dating Kalihim ng Katarungan.
“Her inclusion is more than strategic; it is poetic. It tells us that the advance of justice, may be delayed, but never denied,” ani Adiong.
Sinabi ni Adiong na matagal nang isinasabuhay nina De Lima at Diokno ang uri ng pamumunong nakaugat sa batas, at hindi sa takot o kaginhawaang pampulitika.
“Rep. Chel Diokno has spent decades defending rights, educating lawyers and upholding the Constitution. His presence assures the public that this trial is about truth, not theatrics, not power plays,” dagdag pa ni Adiong.
Na-impeach ng House of Representatives si Duterte sa mga kasong betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution. Sentro ng kaso ang umano’y pang-aabuso at maling paggamit ni Duterte sa bahagi ng P612.5 milyong confidential funds noong 2022 at ang kanyang mga pahayag sa telebisyon na tinuturing na banta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ayon kay Adiong, ang pagpasok nina De Lima at Diokno ay nagbibigay ng mas malalim na katalinuhang legal at moral na katatagan sa prosecution panel—mga bagay na aniya’y mahalaga sa pagpapatunay ng kaso sa Senate impeachment court.
“When the rule of law is tested, we must answer with clarity, courage and competence. The House has done that by bringing in two of the most respected legal minds of our generation,” ani Adiong.