Vic Reyes

Aduana paganda na ng paganda ang imahe

Vic Reyes Jan 19, 2025
12 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Tata Yap Yamazaki, a Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kaibigan ng Filipino sa Japan si Hiroshi Katsumata.

Binabati din natin si Joann de Guzman at mga kasama niya diyan sa Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

Sa paglipas ng panahon, unti-unti ng nababago ang paningin ng publiko, kasama na ang mga ordinaryong mamamayan, sa mga taong nagtatrabaho sa aduana.

Dati, ang akala ng maraming Filipino ay talagang pugad ng mga mababangis na ahas ang tinatawag na waterfront.

Sa totoo lang, noon maraming naglalaway sa mga matataas na puwesto sa Bureau of Customs (BOC).

Noon, pati mensahero at janitor ay balitang kumikita ng mas malaki pa daw sa take home pay ng opisyal sa ibang opisina.

Kaya nga maraming mga politiko noon ang nagpapasok ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan at supporter sa BOC.

Pagdating ng halalan ay obligado ang mga ito na nagbibigay ng kontribusyon sa kanilang mga election campaign fund.

Madalas noon na marinig sa aduana ang mga ito: “Bata ‘yan ni governor, mayor, konsehal, direktor, heneral at sekretaryo.”

Ang mahanda ay unti-unting nawala ang katiwalian at korapsyon sa aduana.

Hindi na basta makapag-fund raising ang mga alipores ng mga politiko sa aduana dahil pinaigting na ang anti-corruption drive sa waterfront.

Hanggang sa tuluyan ng nanahimik ang mga iligalista sa aduana.

Kagaya sa ibang opisina ng gobyerno, nandiyan pa rin ang korapsyon sa waterfront pero hindi na talamak.

Lalo na nang pumasok ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ang unang order nga niya Kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay patigilin ang mga kabulastugan sa aduana.

Lalo na ang ismagling ng mga droga at produktong agrikultura na nagpapahirap sa mga magsasaka at mangingisda.

Ang gusto nga ni Pangulong Marcos ay mapabilis ang computerization ng processes para mawala ang katiwalian at korapsyon.

Hangad ng Marcos administrasyon ay lumaki ang revenue collection ng BOC para makatulong sa implementasyon ng mga proyekto at programa.

Hindi naman mai-implement ang mga programang ito kung walang sapat na pondo.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa taong ito ay naatasan ng gobyerno ang BOC na mangolekta ng P1.06 trilyon na buwis at taripa. Noong 2024 ay close to P1 triilyon ang assigned tax take ng ahensya.

Kaya ‘yan, ‘di ba Finance Secretary Ralph Recto at Commissioner Rubio?

****

Sunod-sunod ang seizure ng mga illegal drugs na ginagawa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).

Ang mga anti-drug operations ng BOC ay sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at ibang ahensya ng gobyerno.

Ang mga kontrabando ay nanggagaling sa labas ng bansa.

Madalas ay nakatago sa mga ipinapadalang shipment galing ng ibansa. Ang iba naman ay nakikitang concealed sa mga luggage ng mga paparating na pasahero.

Mabuti na lang at alerto ang mga taga-BOC na naatasang mag-examine sa mga shipment at luggage.

Gamit ang x-ray scanning machines at sniffing dogs ay nabubuko nila ang mga kontrabando.

Kapag binuksan ang mga shipment at luggage ay dito na bumubulaga ang mga nakatagong iba’t ibang kontrabando.

Ang mga iligal na droga ay kinabibilangan ng shabu, kush o high-grade marijuana, cocaine at ecstacy.

Kailangan talaga ay lalo pang paigtingin ang inspeksyon sa mga airport at seaport sa buong bansa.