Calendar
Aga ‘done’ na sa buhay
Ibang Aga Muhlach ang mapapanood sa “Uninvited” at na-excite nga agad ang aktor nang i-offer ang project sa kanya.
Kwento ni Aga sa mediacon ng pelikula, nag-usap sila ni Vilma Santos nang matanggap niya ang offer at siniguro niya kung gagawin ito ng Star for All Seasons.
“I called her up and I just asked her, ‘gagawin mo ba ‘to? Ikaw ba talaga? Tuloy ba talaga ‘to?’ Sabi niya, ‘yes,’ sabi niya, ‘Agathon, gawin mo ‘to.’ Hindi naman niya kailangang magsalita pa,” sey ni Aga.
Pangatlong pagsasama na nila ni Ate Vi ang “Uninvited” at sey ni Aga, sobrang happy niya na gawin ang movie.
“It comes in threes, ‘di ba? This is our third film. I’m okay. Done na ako sa buhay. And proud ako sa dalawang pelikulang ginawa namin. ‘Eto, sobra akong proud dito sa pangatlong ‘to.
“Nae-excite lang po ako. Salamat sa pagkakuha n’yo sa akin sa pelikulang ito,” sey ng aktor.
At nu’ng sinabi umano sa kanya na makakasama rin nila si Nadine, ang tanong niya agad ay, “‘Leading lady ko siya?’ Sabi, ‘hindi, anak mo siya.’ Sabi ko, ‘buti naman.’”
Sa pelikula ay may pagka-dark ang character ni Aga at nag-enjoy siya na maging masamang tao.
“Hindi po siya mahirap gawin ‘pag ang kasama mo, puro magagaling. It was really an experience para sa akin. I was just having fun on set. Masaya ko siyang ginawa. Masayang maging masama… sa pelikula,” sey ng aktor.
Puring-puri rin niya ang kahusayan ng production team dahil pagdating niya sa set ay aarte na lang siya dahil nakaayos na lahat mula sa production design, ilaw at lahat ng technical aspect.