Calendar

Agarang aksiyon ng pamahalaan para sa OFWs sa ME sinang-ayunan ni Magsino
BILANG Kinatawan ng mga Overseas Filipino Wokers (OFW), sinang-ayunan ni OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino ang panawagan ni Sen. Joel Villanueva sa pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at inaasahang repatriation ng mga OFWs sa harap ng tumitinding tensiyon sa Middle East.
Sinabi ni Magsino na napakahalaga ng magiging aksiyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglulunsad nito ng isang maayos na contingency plan upang matiyak na magiging ligtas at organisado ang gagawing pagpapalikas sa mga OFWs sa Israel at Iran.
Iminumungkahi din ng kongresista na kailangang isa-alang alang din ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang paglalaan ng pondo para sa pagpa-plano ng isasagwang repatriation ng mga OFWs at iba pang mga pangangailangan.
Nakikiisa din si Magsino sa pagbibigay papuri sa DMW, Overseas Workers Admisnitration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) bunsod ng kanilang pagsisikap na tiyakin na magiging ligtas ang mga OFWs sa Israel at Iran sa gitna ng lumalalang kaguluhan duon.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang OFW Party List Lady solon matapos sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran kung saan agad itong nanawagan sa DMW, OWWA at DFA para sa mnakatakdang pagpapalikas sa mga OFWs na posibleng maipit sa giyera.
Samantala, pinasalamatan ni Magsino si Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa dahil sa mainit na pagtanggap nito kasunod ng kanilang naging pag-uusap para matugunan ang medikal na pangangailangan ng mga OFWs at kanilang pamilya.
“Nagpapasalamat tayo sa mainit na pagtanggap ni Health Secretary Ted Herbosa upang mapag-usapan namin ang magiging aksiyon ng DOH para sa ating mga OFWs para sa kanilang medikal na pangangailangan o para sa kanilang pangkalusugan,” sabi ni Magsino.