Tingog1 AKAP SA NASUNUGAN – Ang tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude A. Acidre ay namigay ng mainit na pagkain sa mga biktima ng sunog sa Tondo, sa General Vicente Lim Elementary School evacuation center noong Linggo. Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakipagugnayan si Speaker at ang Tingog sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa agarang pag-release ng P20 milyong cash assistance mula sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para mamahagi ng tig-P10,000 sa bawat pamilyang nasunugan. Mamimigay rin ng relief goods nitong Lunes. Kuha ni VER NOVENO

Agarang pagpapalabas ng P20M ayuda sa Tondo fire victims itinulak ni Speaker Romualdez, Tingog

Mar Rodriguez Sep 16, 2024
45 Views

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Party-list ang agarang pagpapalabas ng P20 milyong halaga ng cash assistance para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Barangay 105 Aroma sa Tondo, Manila noong Sabado.

Ang tig-P10,000 tulong sa bawat pamilyang nasunugan ay kukunin sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“We facilitated the request for the immediate release of P20 million for the families affected by the Tondo fire, following President Marcos’ directive. This financial aid to be provided with the help of DSWD Sec. Rex Gatchalian, along with our ongoing relief efforts, will extend resources to help them rebuild their lives,” sabi ni Speaker Romualdez.

Bukod sa cash assistance, nakipagtulungan din ang tanggapan ni Speaker Romualdez sa Tingog Party-list na pinangungunahan nina Reps. Yedda K. Romualdez at Jude A. Acidre para sa pamimigay ng mainit na pagkain sa mga biktima noong Linggo.

Ngayong Lunes ay babalik sila para mamigay ng mga relief goods.

“We have also mobilized our personal calamity funds to ensure that these families not only receive financial support but also have access to food and other essential items,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. ay nakapamigay ng 4,500 bowl ng lugaw at arroz caldo sa General Vicente Lim Elementary School evacuation center at sa Barangay 105 at Barangay 106 covered courts.

Nagpasalamat naman si Dionisio kina Pangulong Marcos, Speaker Romualdez at DSWD Secretary Gatchalian sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugan.

“On behalf of the people of Tondo, I sincerely thank President Marcos, Speaker Romualdez, and Secretary Gatchalian for their unwavering support and quick action in addressing the needs of our fire-affected residents. Their leadership and compassion have been vital in helping the community recover from this tragic incident,” ani Dionisio.

Umaasa si Gabonada na mabilis na makababangon ang mga biktima ng sunog.