Gatchalian

Agenda ng energy transition ng PH ituloy– Gatchalian

27 Views

IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang energy transition agenda nito sa kabila ng paghupa ng tensyon sa Middle East kasunod ng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Gatchalian, kailangang manatiling nakatuon ang bansa sa pagpapalakas ng pangmatagalang seguridad sa enerhiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagdepende sa inaangkat na fossil fuel.

Mahalaga ito upang maprotektahan ang ekonomiya laban sa posibleng panibagong oil crisis o biglaang pagtaas ng presyo ng langis, sabi ng senador.

“Kailangan nating mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis upang maprotektahan ang ekonomiya laban sa anumang posibleng panibagong oil crisis o biglaang pagtaas ng presyo ng langis,” sabi ni Gatchalian.

Muling itinulak ni Gatchalian ang pagpasa sa Senate Bill No. 366 o ang panukalang Energy Transition Act na naglalayong magtatag ng national framework para sa paglipat ng bansa sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya.

Isinusulong ng panukala ang paggamit ng clean energy, pagbabawas ng pagdepende sa fossil fuel, at malinaw na pagtukoy sa mga tungkulin ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiya sa energy transition sa sektor ng kuryente at transportasyon.

Makatutulong din ang energy transition plan sa pagtupad ng Pilipinas sa mga pangako nito sa klima, kabilang ang target na mabawasan at maiwasan ang greenhouse gas emissions ng 75 porsiyento mula 2020 hanggang 2030 sa ilalim ng Nationally Determined Contribution.