Aiko

Aiko, nanindigan sa BBM-Sara tandem

Vinia Vivar May 2, 2022
299 Views

Agad na nagpaliwanag si Aiko Melendez sa ipinost niyang larawan ng anak niyang si Andre Yllana na nasa isang gate ng bahay na may poster nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

Ayon kay Aiko ay na-bash na siya agad dahil sa picture na ‘yun since ang sinusuportahan niyang kandidato ay ang tandem ni Bongbong Marcos at Davao Mayor Sara Duterte.

Tumatakbong konsehal si Aiko sa District 5 ng Quezon City at sinasamahan siya ng kanyang mga anak sa pangangampanya na makikita nga sa kanyang post.

Paliwanag ni Aiko, nagkataong sa gate ng isang bahay ay may poster ng Kakampink tandem na siyang nahagip ng camera nang kunan si Andre.

“Ok im being bashed because of this picture of my son @andreyllana . Bat daw ako naging Leni-Kiko eh BBM ako. Eto po ang simpleng explanation. Nangangampanya po mga anak ko kanina and me gate dun ng supporter namen na maka Leni- Kiko di ko kailanman ang naging ugali na saklawan ang utak at isip ng aking mga supporters,” pahayag ni Aiko.

Sa kanilang pamilya ay magkakaiba rin daw sila ng sinusuportahan at nagrerespetuhan sila.

“Kahit sa kapamilya ko kapatid ko maka Leni, Ako maka BBM never kami nag away para sa sino man ang nais namen suportahan,” aniya.

Giit pa ng aktres, sina BBM at Sarah pa rin ang kanyang sinusuportahan.

“Hindi po ako lumipat ng susuportahan po. Dahil me paninindigan po ako. At kng ano man po ang kakalabasan ng Elections rerespetuhin namen po yan.

“Pero wag nyo po ako pigilan ng nais ko suportahan. Nacionalista party po ako sa totoo lng po di ko pa nakikilala sila Senator Bongbong Marcos at Inday Sara, pero un ang paninindigan ko asa kanila ang aking paniniwala,” patuloy niya.

“Lawakan po naten ang isip naten… I am for @bongbongmarcos @indaysaraduterte all the way,” pagtatapos ng aktres.

NAGPA-AUTOGRAPH NG SAPATOS

Ibang klase naman palang sumuporta ng kandidato itong si Kier Legaspi. Imagine, pinapirmahan ng aktor ang customized shoes niya kina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto.

Ang tandem ng dalawa ang sinusuportahan ni Kier and very vocal siya tungkol dito sa kanyang mga post.

In fact, sumama-sama siya sa rally.

Sa kanyang recent Facebook post ay ibinahagi ni Kier ang larawan niya kasama ang kanyang mga kandidato na hawak-hawak ang ipinagawa niyang pares ng sapatos.

Sa mga naunang post ni Kier ay sinabi na rin niya ang dahilan kung bakit ang dalawa ang sinusuportahan niya sa May 9 elections.