Co Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co

Ako Bicol party-list naghanda na sa pagdating ng bagyong Pepito

92 Views

NAGHANDA na ang Ako Bicol Party-list, sa pangunguna ni House committee on appropriations chairman Zaldy Co, bago pa man dumating ang bagyong Pepito na maaari umanong maging isang super typhoon.

Sa tulong ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, muling iginiit ng Ako Bicol ang dedikasyon nitong matulungan ang mga nangangailangan.

“In any calamity, our primary goal is everyone’s safety. Ako Bicol remains steadfast in providing assistance — from relief packs to ensuring readiness for any disaster,” ani Co. “Now more than ever, we must unite as a community.”

Nagbigay na ang Ako Bicol at tanggapan ni Speaker Romualdez ng mga rubber boat sa iba’t ibang munisipalidad at ahensya ng gobyerno, upang kanilang magamit sa mga babahaing lugar.

Naka-standby na rin ang mga heavy equipment na magagamit kung kakailanganin.

“The new rubber boats and heavy equipment are part of our efforts to ensure preparedness in such situations. They are investments in the safety and resilience of our region,” sabi ni Co.

“We thank Speaker Martin for helping us ensure that local governments and responders in the Bicol region have the tools they need to help save lives and protect communities,” dagdag pa ni Co.

Nanawagan naman si Co sa mga residente na inaasahang maaapektuhan ng bagyo na mag-evacuate na bago pa dumating ang bagyong Pepito.

“To our fellow Bicolanos, always choose safety. If you know your area is at risk, don’t wait — evacuate immediately,” payo ng kongresista. “Life is most important. Let’s work together to prepare for this typhoon.”

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyong Pepito ay inaasahang magla-landfall sa silangang bahagi ng Southern Luzon sa Nobyembre 16 o 17 at makakaapekto rin ito sa Central Luzon hanggang Eastern Visayas.